ang libro. bow.

parati kong sinasabi na bahala na si batman pero ayoko ko namang manood ng dark knight. baka magalit na siya sakin. tsk tsk tsk. ginagamit.gamit ko pangalan niya pero di ko man lang mapanood ang pinakalatest niyang pelikula. haaaaay. baka magtampo na sakin yun! di ko na tuloy pwedeng masabi na "BAHALA na si BATMAN". siya pa naman ang bayani ko. wala pa rin naman siyang ginawa na literal upang maligtas ako pero gusto ko lang sabihin na bahala na siya sa tuwing nagigipit ako. waaaahaha.

hay naku! bahala na nga lang si batman.

 

ang dami ko dapat iniisip na stuffs ngayon eh. HAHA. haay life. bakit kasi complicated. waley na. taglish post na ito.

 

pero mamaya na muna yang mga complicated stuffs na yan.

 

monologue muna. ibig sabihin nakatuon sa akin ang mga kaeklatan na iluluwa ng keyboard ko. haha. gets? waley noh? nvm.

 

 

basically simple lang naman ang tanong na bumabagabag sa akin ngayong mga sandaling ito. yun ay.

 

PANO ba mag MOVE ON?

 

what the hell.

 

ang hirap mhen. ang daling sabihin ang hiraaaaaaap gawin. wth.

pwede namang huwag mo na lang isipin at kunwakunwariang mag.move on. pero babalik at babalik pa rin sayo yung problema o yung sitwasyon. ang hiraaaaaaap mheeeen. pwede mo namang sabihing nakapagmove on ka na pero yun pala tinatago mo lang sa "locker" mo. yung may padlock sabay itatago yung susi at kunwari di mo na maalala kung san mo nilagay, yun pala hawak2x mo rin naman araw-araw.

 

yung tipong kumuha ka lang ng locker sa school para pagiwanan ng isang librong ayaw na ayaw mong basahin ni ayaw mo man lang makita sa kwarto o sa bahay mo. isang libro lang at yun lang yung librong makikita sa locker na yun. pero pagkatapos ng sem kukulitin at kukulitin ka lang din ng DSWS na linisin at ibakante na ang locker na nirentahan mo. at sa huli nasa kamay mo pa rin ang librong iniiwasan mo sanang mahawakan o makita man lang.

 

following that situation. ayaw mo rin namang itapon ang libro kasi nga libro yun. sayang naman. at ayaw mo rin namang ipahawak sa iba kasi ayaw mo rin namang may hawak sa kanyang ibang tao. masakit sa puso ang makitang may iba nang may hawak sa kanya. pero kung gugustuhin ng libro maglelet go ka rin naman. mahirap nga lang. kasi di naman nakakapagsalita ang libro. o pwede naman. kung babasahin mo nga lang. kaso duwag ka. natatakot ka na ayaw mo pala ang nilalaman ng librong hawak mo kasi rin baka wala rin pala siyang nilalaman. natatakot kang masaktan. period. ang sakit rin kaya na sabihan ka ng librong "please release me let me go." freaky pa. haha.

 

pero di ba mas masakit ang sitwasyong forever mo na lang hinahawakan ang libro at di mo man lang ito nababasa. ang waley mo naman yata pag ganun. pero paano kung ang hirap talaga harapin ang libro mo.

 

libro lang naman siya?

bakit mahirap?

its complicated. period.

 

eh kung sunugin mo na lang kaya ang libro ano? kawawa naman siya. di man lang niya alam ang naging kasalanan niya upang maging dahilan ng pagwakas ko ng buhay niya. wth talaga.

ang mga bagay kasi minsan MANHID. o dense lang talaga. sa bagay libro lang naman siya ba't ba ako nageexpect na may pakiramdam yun? shet. ang tanga ko.

 

yung libro ko kasi. di ko maintindihan. ayaw ko naman siyang buklatin. haha. nakakatakot malaman ang nilalaman nito. baka manosebleed lang ako o baka masyado akong maapektohan at magcharcoal na lang ako. waaaaahaha.

 

dapat kasi matagal ko ng binenta at dinonate sa library ang libro ko. parang too late na yatang gawin yun. wth. wth talaga.

 

magcharcoal na lang kaya ako. kaso wala ng magbabantay at magaalaga ng libro ko. kawawa naman siya. tsktsktsk. o baka naman wala siyang pakialam. libro lang rin naman siya eh. ano pang magagawa ko? haaaay. wtf.

 

may plano naman rin kasi akong basahin siya. pero mga ilang years from now pa pero kasi nakalock pa siya ngayon sa locker ko. pero yun nga alam ko rin kung nasan ang susi ng padlock ng locker ko. at feeling ko kahit di ko palaging iniisip, arawaraw kong dala ang susi kahit san man ako magpunta. putik. ang pathetic talaga. shet. ang kaso naalala ko siya TODAY. ang libro kong iniwan sa locker. shet.

at nawiwindang na ako.

 

pano ba kasi magmove on at maglet go ng mapakawalan ko na ang libro ko. ang libro kong walang malay na gusto ko na siyang mawala sa buhay ko. pero yun nga ayoko rin naman. haha. waley.

 

sana wala na lang akong locker. susi. at kunganu paman at sana hindi na ever naging mahalaga ang librong yun sakin. bakit pa kasi?

 

wth.

wth talaga.

 

 

---------------------------------------------------monologue ends here------------------------------------------------

 

 

sana walang nakaintindi.

gets? haha. waley.

dapat hindi.

Comments

Popular Posts