in the spirit of boredom

i am bored.
that is why i am posting this here. haha

wala lang magsusulat lang ako ng kung anu-anong papasaok sa isip ko.

kanina nanuod ako ng tv. hehe. news. may thing about the MMDA and the "illegal" vendors ng certain public market here in Manila or sumthing.
wala lang na.sad lang ako.
kasi naman medyo hindi na makatao yung mga pagkuha ng mga paninda nung mga vendors. pero sabi naman na ng MMDA they were notified ahead of time kaya they were given time to leave the premises.
pero sad lang talaga kasi yung mga tauhan ng MMDA parang galing lang din sa mga tao ng mga vendors. i mean nasa parehong social bracket  sila or something like that tapos they were hurting each other, it got really physical pa. its just sad that we filipinos hurt our own.
pero kulang rin talaga tayo sa disiplina kaya minsan we get to think that we have to use these kind of drastic measures. pero do we really need to use violence?
or baka naman hindi violence yun, humantong lang talaga sa ganun.
anyway, di ko maintindihan ang nararamdaman ko regarding this issue. kasi parang SAD talaga. pero i think naman na hindi talaga maiwasan yung mga ganun especially kung may inimpose na bagong policies na ayaw nating sundin kasi hindi beneficial sa atin kahit na for the betterment of the majority nga sana. haha. im not making sense anymore. anyway, sana may taong makakapag.unite sa ating mga Pilipino. yung hindi masyadong elitista ang dating pero hindi naman masyadong pangmasa. yung pwedeng ihold tayong lahat no matter what our social status is or something. para katulad nung kanina, sana may taong nakipagusap talaga sa mga taong yun para naiwasan yung mga karahasan. yung isang taong rerespetuhin ng mga elista at susundin ng mga masa. hahaay.
sana nga may taong ganun na mamumuno sa ating lahat, kahit hindi ngayon, kahit sa future na. for our future generations.
pero SAD pa rin kasi sabi nga nung isa sa mga vendors, hindi nga naman daw sila nagnanakaw hindi sila pumapatay ng tao, marangal naman ang mga hanap buhay nila ba't sila ginaganon. hehe. kaso nga lang illegal. dun talaga may problema.

tapos. nung saturday naman nanuod ako ng sine whatever ng i-witness. hehe, i forgot eh. pero they had a documentary about sex slaves. kasi nga raw sinabi na maraming ginawang comfort women dito sa Pilipinas noong time ng mga Hapon pero di alam ng mga tao na hanggang ngayon, marami pa ring ginagawang comfort women na Pilipina hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo. ang sad na naman. kasi the girls they recruit are really young. like 14 yrs old or younger. so aside from abusing women, these people are also guilty of human trafficking.

ai! oo nga pala. a few weeks back, i went to the NEW BILIBID Prison. medium security lang naman. the people there are actually nice! i got to talk to one of their 'MAYOR's. yung mga nahahandle sa isang cell. the guy i talked to was very fatherly and he was actually quite smart and inspiring. anyway, ill make na lang another post about that entire experience. so anyway again, he told me about some of the issues inside the correctional facility (hindi na kasi dapat tawaging "prison") it includes juvenile delinquents. sabi nung taong nakausap ko na at some point he was able to handle a 13yr old boy inside his cell. kamusta naman di ba? he's just a boy tapos he's with all those other older people who committed serious crimes.

so ayun. ang sad di ba?

kaya ngayon ang tanong ko sa sarili ko, anong gagawin ko sa mga pagkaka."SAD" ko?
haha. ewan. pero im bound to do something about it. sana nga tayong lahat. di ko naiisip kkung ano talaga ang mga concrete steps na susundin at gagawin ko pero alam kong may gagawin ako.

sana tayong lahat may gawin din.


uy! this is my 100th blog post na pala!
ehehe. at least its some sort of relevant. haha




Comments

Popular Posts