Akin ka na lang by Itchyworms (ulit)
| Wag kang maniwala d'yan, 'di ka n'ya mahal talaga Sayang lang ang buhay mo kung mapupunta ka lang sa kanya Iiwanan ka lang n'yan, mag-ingat ka Dagdag ka lamang sa milyun-milyong babae n'ya | |
| CHORUS 1 Akin ka na lang (akin ka na lang) Iingatan ko ang puso mo Akin ka na lang (akin ka na lang) At wala nang hihigit pa sa 'yo | |
| 'Di naman ako bolero katulad ng ibang tao Ang totoo'y 'pag nand'yan ka, medyo nabubulol pa nga ako Malangis lang ang dila n'ya, 'wag kang madala Dahan-dahan ka lang, baka pati ika'y mabiktima (huwag naman sana) | |
| [Repeat CHORUS 1] | |
| BRIDGE 'Di naman sa sinisiraan ko ang pangit na 'yan Huwag ka dapat sa 'kin magduda, hinding-hindi kita pababayaan | |
| [Repeat CHORUS 1] | |
| CHORUS 2 Akin ka na lang (akin ka na lang) Liligaya ka sa pag-ibig ko Akin ka na lang (akin ka na lang) At wala nang hihigit pa sa 'yo | |
| Wala nang hihigit pa sa 'yo (akin ka na lang) |
Comments