'kaya pala marami' (a story about three girls' suffering(?) and a little boy's 'blessing')


this has got to be my most sensible post yet..

so ill start na the kwento (naks! conyo.. haha!)

yesterday, i wanted to buy a radio in a place called Farmer's plaza.. so anyway, i didn't want to go alone so i asked some of my friends to tag along. actually, ung isa may carpool and mahirap na for her to use the mrt kasi mag.rurush hour na nun pero she was kind enough to agree din naman.. that girl's name is kara.. so there was also another friend, si trech.. (tatlo kasi kami nun eh) last period niya pe, so pagod na xa and eveything dapat di ba? pero pumayag pa rin siya.. (ang bait nila ano? hahaha!)
so pumunta na kaming gateway and farmer's..
pagdating dun, si trech gutom na gutom na raw.. so, inuna namin ang kumain, magdidinner na rin kasi kami nun.. sa Chowking kami kumain and ang inorder namin ung salo-salo meal.. nag-order kami ng yang chow rice (good for 4 yata un) and sweet and sour pork and dimsum platter.. little did we know na ang daaaaaaaaaaaaaaaaaaammmmmmmmmmmmmmiiiiiiiiiii pala nun.. as in pang 4-6 persons yata.. so parang mangiyak-ngiyak kami sa dami.. sabay tanong:
"mauubos ba ntin toh?"
"oo kaya yan!"
"hindi nga? kaya talaga natin toh ha?"
anyway, eh di kumain na kami.. sa dami ng pagkain, parang parusa na yung dami..
di pa yata kami nangalahati sa lahat ng pagkain (actually parang 1/4) may dumating na batang lalaki.. nanghingi siya ng pera.. eh alam naman namin na hindi advisable na bigyan ng pera ang mga batang ganun kaya naman pinakain na lang namin xa.. humingi kami ng extra plate and everything else.. tapos sabi ni kara "kaya pala marami" at first di ko ma.gets un.. sa isip ko parang "anong konek?" pero si trech na.gets daw niya tapos kinilabutan daw xa..
"kaya pala marami" talaga ung servings ng mga inorder namin kasi may bata kaming tutulungan o papakainin or sumthing.. basta ganun..
ang name ng bata rommel.. grade 4 at sampung taong gulang.. nakatira siya sa may SM north edsa, sa may project 6.. kami ni kara di namin alam kung gano kalayo un sa farmers pero sabi ni trech ang layoooooooo raw.. tapos sabi ni rommel naglalakad lang daw xa papunta run! eh dumadaan pa naman xang edsa! delikado kaya un.. ang daming bus at mga sasakyan.. pero arawaraw na raw niyang ginagawa un para makahanap ng pagkain.. tapos sabi pa niya di raw xa pumasok nung araw na yun dahil wala raw xang baon.. at ng mga araw na un di pa raw xa kumakain.. wala na raw xang mga magulang , ung kuya lang niya kasama niya pero wala raw ung trabaho pero pinapag-aral pa rin naman xa nun..
ang sad di ba?
at dahil hindi na talga namin kaya ung dami ng food, pina.uwi na lang namin sa kanya ang sobra.. binigyan siya nina trech at kara ng pamasahe pa.uwi.. magbubus na lang daw xa.. (delikado maglakad s edsa lalung lalo na dahil gabi na rin un)
pero malamang hindi talaga ginamit ung pera para pamasahe.. pero okay lang.. at least nabigyan namin xa ng tulong, kahit papano..

ang sarap ng feeling ng makatulong ka sa kapwa.. pagkatapos naming kumain, parang un lang yata talaga ang mga pinagusapan namin.. ni.isa sa amin di pa nakaexperience ng ganun eh.. nalaman naming parepareho pa la kami ng iniisip, "ano kaya ang gagawin ng mga toh?".. pare-pareho kasi kaming di marunong magreact sa mga sitwasyong ganun.. pero masaya na rin at nagkaintindihan rin kami kahit papano nung mga oras na un..

at nasayahan na rin ako dahil alam kong mababait pala talaga tong mga friends ko.. (naks!) now i know im in good company..




Comments

Popular Posts